ECS Prajek Update #3
Dahil hindi na ako makakahindi kay Joel, magbabasa ako ng tula sa Mag:net Katipunan mamaya, 7 PM ang simula. At lumabas na rin noong Sabado ang unang isyu ng Heights para sa taong ito (na mukhang masusundan sa November at December) . May excerpts doon mula sa nobela kong Walong Diwata ng Pagkahulog. Baka magdala ako ng kopya. Basta leave a message here or text me if you want to have a copy, OK? Kitakits.

kailan po lalabas ang walong diwata? o lumabas na? paano po makakuha ng kopya? at magkano? sori kung puro tanong
Hindi pa lumalabas. Baka late this year o early next year.
Sasabihin ko rito kapag lumabas na.