Limang Paanyaya

1. Kahapon, anniversary ng Junior Holy Name Society sa San Pablo, na ako ang founding president. May ilang nagtext para makibati (Kuya Budz, Jozzel, Vinnie at Mayo). Hindi ako nagreply. Hindi ko alam kung bakit. Hanggang kanina, nagtext si Jeff at tinanong ako kung makakasama raw ba ako sa Days of Conquer ngayon hanggang sa Linggo. Hindi ko pa hinaharap ito, pero matagal-tagal na akong di nakapagsisimba. Nagdarasal pa rin ako sa araw-araw. May pananalig pa rin ako, sa palagay ko, pero hindi ko alam kung matatawag kong Katoliko iyon. Nag-message pa sa friendster ko ang ilan para pilitin na sana’y makapunta ako. Hindi talaga ako handa, bukod siyempre sa mas praktikal na dahilan na sobrang abala ako ngayon dahil patapos na ang sem at inaasikaso ko pa ang ANWW kaya’t hindi madali ang mawala rito sa Maynila ng apat na araw.

2.  Mula kay Christine: May booklaunch siya sa Oktubre 14, 4 pm sa National Bookstore ng Trinoma. 5 bagong titles sa serye ng Mga Kuwento ni Lola Basyang ang ilulunsad. Malamang na pumunta ako at doon na magkita-kita ang mga kasama sa Tapat.

3. Mula kay Jethro: Ikatlong linggo na ng rerun ng Romulus D’Grayt ng PETA sa PETA Theater. Napanood ko na ito noong una itong itinanghal at sulit talaga ang panonoood. Hindi ko lang alam kung kaya ko pang manood ulit ngayon dahil sa iskedyul nito: Biyernes at Sabado (2:30 nh & 7:30 ng) at Linggo (10:00 nu at 3:00 nh).

4. Mula kay Louie Jon: Bukas na ito, alas-9 nu kaya malabo na talagang makapunta ako pero baka sakaling may interesado sa inyo (interesado ako pero nakakompromiso na ako bukas): “Ang Dating ng Tula ni Bienvenido Lumbera,” isang panayam sa Bulwagang Ariston Estrada sa DLSU-Manila.

5. Mula kay Nikko: Isang gabi ng salo-salo sa hapunan at tula sa Linggo, sa Katipunan lang. Umoo na raw sina Mikael & Sigh. Maaaring makapunta ako.

~ by ecsamar on September 28, 2007.

Leave a Reply