Murakami on Akutagawa

Pagkagaling sa Beato Angelico sa UST para iwan ang kopya ng nobela ko sa opisina ni G. Wigley, dumaan ako sa Fully Booked (Gateway), at nakita ko (sa wakas!) ang kopya ng Rashomon and 17 Other Stories ni Ryunosuke Akutagawa, na isinalin ni Jay Rubin, at may introduksiyon ni Haruki Murakami! Nanginginig-nginig pa ako nang bilhin ko ito. Tinext ko agad ang mga tao para ibahagi ang kasiyahan ko sa mundo. Ha ha. Nabasa ko na nga noong nakaraang linggo ang After Dark at dagdag na naman ito sa aking Harukiana Library. Last year pa ito na-publish, at mabuti’t ngayon ko nakita kung kailan binabasa ko rin ang The Fantastic in Modern Japanese Literature ni Susan Napier.

~ by ecsamar on September 26, 2007.

2 Responses to “Murakami on Akutagawa”

  1. Meron din ako niyan. :D Pero hindi ko pa nababasa yung last section. Nakakatuwa yung intro ni Murakami.

    Pwede pahiram ng “The Fantastic in Modern Japanese Literature?” Pag natapos na kayo at pag natapos na ang sem. :D

  2. Mitch, walang problema. Pero kopya ‘yun ng lib, ipapakopya ko lang haha.

Leave a Reply