Si Inday sa Panahon ng Unlitxt
Malamang na nakatanggap ka na ng forwarded na Inday Joke. Noong 2005, lumaganap ang Boy Bastos Jokes (at ginawan ko pa ng papel iyon noon). Ngayon naman, aba, nasa antas na talaga ng wika ang laban: si Inday ang unang tumutugon sa “hamon” ng gobyerno na maging “competitive” sa Ingles para makapasok tayo sa callcenter at maging mahuhusay na caregiver sa ibang bansa. Tinipon ni Maruism ang ilan sa mga Inday chronicles na ito (Tawa, sige, tawa!). Pero kagabi lang, may natanggap na naman ako, na wala pa sa seryeng naitala ni Maruism. Narito:
Amo: Mula ngayon, walang magsasalita ng Ingles. Ang sinumang magpadugo ng ilong ko at sa mga anak ko, palalayasin sa pamamahay na ito! Klaro ba?
Inday: Ang mga namutawi sa inyong mga labi ay mataman ko pong iiimbak sa sulok ng aking balintataw, sa kaibuturan ng aking puso, gugunamgunamin, aariing salik ng aba at payak kong kabatiran. Tatalik din ang matayog at palalong banyagang wika, manapa’y kakalingain, bibigkasin at sakdal timyas na sasambitin ng aking sangkalooban.
At heto, wala pa rin sa link kay Maruism:
“There’s still a romantic element in knowing that I love someone but I’m choosing to do the right thing by staying silent.” —sagot ni Inday sa sarili dahil inlab na siya kay sir.
Inday, Iba Ka!
At sa mga curious sa biodata ni Inday, heto, may nagtext din sa akin:
Name: Inocencia Binayubay
Nickname: Inday
Age: 18
Parents: Aling Seling & Mang Andoy
Siblings: Iying, 13; Itoy, 8; Iking, 5
Education: College—La Salle Taft, 2nd Yr (Scholar, Systems Engineering); High School—Philippine Science High School (Valedictorian, Best in English); Elementary—Sta. Monica Elementary School (Valedictorian, Best in Dancing)
Work Experience: 3 years, Household Service Manager (Katulong)—Mr. & Mrs. Montemayor
Iba kapag joke na ang bumira sa kondisyon natin, ano.

waaaa…kaloka si inday…nkidaan lang po…hehehe
kamustahin naman. hahaha. kuleeeettt!
engchange links naman po tayo:
PRINSIPE DILAN
http://www.dilan.co.nr
PRINSES CLEO
http://prinsescleo.wordpress.com
yan pala bio data ni inday!
mousmous.wordpress.com
mwahaha.. ^_^ tinalo ako ni inday! hanep, taga la salle sya eh!
[...] Inday, Ayaw Paawat Dalawa pang Inday jokes, pagkatapos ng nauna kong post: HULI NA TO, MAMIMIS KO [...]
Si Inday, Ayaw Paawat « Ilang Tala Mula sa Atisan said this on October 2, 2007 at 5:02 pm |